Agrarian revolt of 1745
Reasons why filipino revolts against spaniards
Andres malong revolt...
sa buong Pangasinan nuong 1660 si Andres Malong, pinuno ng Binalatongan (San Carlos city ang tawag ngayon). Pati ang mga Espanyol sa sumakop sa Pilipinas mula pa nuong 1571, halos 100 taon sa nakaraan, ay kumilala sa kanyang giting at itinanghal siyang pinuno (maestro de campo) ng buong lalawigan, sunod lamang sa mga Espanyol.
Bilang pangunahing alalay ng mga dayuhan, maraming natutunan si Malong, ang isa ay kung paano maghari sa pamamagitan ng dahas at pagmamalupit, subalit marami rin siyang nalimutan, gaya ng paano maging makatao.
Ang paghahari ang matagal niyang binalak, at nang mag-aklas ang mga Kapampangan sa pamumuno ni Francisco Maniago nuong 1660, pinasiya niyang panahon na upang palayasin ang mga dayuhan.
At pinili niya ang munting baranggay ng Malunguey.
Sa unang sabak nina Malong, dapat sana ay madali nilang nasakop ang Malunguey subalit hindi nila inasahan, biglang lumusob ang 12 sundalong Espanyol at mga mandirigmang Tagalog mula s